Monday, November 26, 2007

pag atenista ka at nasa UP ka

maraming nagtatanong sa akin kung bakit minsan ang gamit kong id strap ay kulay maroon at nakasulat ang "UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES" pero may nakakabit na malaking button pin na bughaw at may nakasulat na "I HEART ATENEO" at kung minsan nama'y id strap na bughaw na may nakasulat na "ATENEO DE MANILA UNIVERSITY" ngunit may pin na pula at may nakasulat, "DUGONG PEYUPS". ang madalas kong sagot ay, "walang rason, pangarap ko kasi mag-aral sa UP." siya nga ba? yun ba talaga yun?

may mga wirdo akong mga karanasan sa loob ng UP campus na talagang nakakatuwa lang nga naman. heto ang ilan.

1. noong UPCAT, sobrang traffic at nagkakandawalaan na ang mga mag-eexam. ako nama'y naglalakad at naghahanap ng masasakyan papuntang katipunan. siguro'y di ang lima ang nagtanong sa akin ng mga building na pagkukuhanan ng exam gayong pagkalaki laki naman ng mga banners. may isang nasa kotse t tumigil sa tabi ko.

bata: ate?

leki: (napatingin) baket?

bata: (tumingin sa id strap kong ateneo de manila university at tinanong sa nanay niya na nagmamaneho, "ma, tanungin ko pa ba?")

nanay: (tumango lamang) sige na lang. (nagbabaksakaling mali lamang ang nabili kong id strap)

bata: saan po yung bocobo hall? (at umiling pa ng kaunti)

leki: (nasiyahan ako dahil alam ko yun! at nasa isip ko, "ayus, good samaritan na ako". ang problema di ko lam papunta doon kung galing doon sa kinatatayuan ko. "patay!" kaya, nag-isip ng mabilis) ahh yun ba? dumeretso lang kayo at may makikita na kayong, uhh, (sasabihin ko sana malaking banner ng bocobo hall pero...) information booth. (toink!) (sorry naman, yun lang sigurado ko e. alangan namang ligawin ko yung nagtatanong di ba?)

pero oo medyo kabisado ko na kung paano gumalaw sa UP. basta sumakay ka lang ng ikot kung di mo na alam kung san yung punta mo. pag wala ka nang choice at di mo pa rin alam, mag-taxi ka na.

2. noong unang linggo ng pasukan noong hunyo. unang araw, ayus binababa pa ako sa "central" at yun lang yung kabisado kong lugar pauwi. pangalawang araw, ang saya ganun pa rin. ang dali palang umuwi e. sisiw. pangatlong araw, binaba ako sa ROMVLO HALL lang. pakingsssshhh...!! asan na 'ko?? dahil ayoko pang magjeep dahil baka kung san ako mapadpad na lupain kaya ako'y naglakad ng naglakad. san na kaya yung central? anak ng tinapa,pano na to? naglakad ako, nadaanan ko,

a. vinzons- ayus alam ko to, katapat ng sungken garden. pag di ko na kaya, papasundo ako ke ate.

b. palma hall (AS)- uy, narinig ko na rin tong lugar na ito a. okey, pwede rin dito.

c. kakahuyan- potek naman o, asan na ba ako? baket may gubat dito?? lang ya, sige lakad na nga lang ulit.

d. obleng hubad- uy wow, history in the making. perstaym ko makita ng malapitan ang obleng hubad. (di ko tinitigan ng matagal, pangako. :p malayo pa lalakarin ko no)

e. abelardo- uy music! ayus. sigurado na ko, madami akong naririnig na himig e.

f. plaridel (mascom)- naaalala ko to a! dito si ate dati! nung graduation nila, pumunta kami dito, ang init! ayus malapit na ata ako. di pa ko nawawala. yes!

g. central! sa wakas, di ak nawala! linakad ko lahat ng hindi tinatawagang luhaan ang ate ko. yes! dapat purihin niya ko nito!

kaya nakauwi na ako sa bahay nang dalawang oras makalipas ang dapat na oras. napakasaya kong binalita sa ate ko na di ako nawala sa UP at nilibot ko pa ito. sight seeing baga. sinabi ko rin sakanya ang naging ruta ko. at eto lang nasabi niya.

"wow, toki ka na pala ngayon. sana bumuhat ka ng dalawang tao tapos nagpabayad ng dos bawat isa. dapat inikot mo siya pabalik, kalahati pa ata dapat ang natipid mong oras." samakatuwid kung lumiko ako sa kanan nu ng nasa romvlo hall ako ay mas maikli ang aking nilakad. haaay. ganun talaga e.

3. ngayo'y marunong na ako. nakakapasok na ako sa SC at alam ko na kung saan mabilis ang internet at kung saan masarap ang ice cream. kaya nung minsang ako ay may gustong tapusing report, upo agad sa isang computer unit sabay salpak ng USB sa port. ayus! sabi ko sa sarili ko, bat ayaw lumabas nung "your device can perform faster"?? tapos tinapik ako nung katabi ko. "miss miss yung ano mo ata, yung ano..." nahuli kong tiningnan niya ang id strap kong ateneo de manila university. at biglang nag-iba, nag-inggles agad!

babae: "oh, miss i think this is my USB."

leki: (ano daw? e kasasaksak ko nito e. malamang akin tong USB) po?

babae: i think this is my USB. (tinuturo ang pinagsaksakan ko)

leki: (aaaahh USB port.. sorry naman) oops, sorry. my bad. sorry naistorbo kita.

babae: it's okay. your/you're bad.

leki: (ano daw? ako masama?) sorry ulit (nalang ang nasabi ko kahit di ko siya maintindihan. haha)

No comments: