



alas dos na. ngayon. bukod sa hinihintay ko pa yung lokong ate ko na nasa labas pa, madami pa akong babasahin at homework. tae naman o. lahat na ng tao dito umuurok, ako na lang ang gising. pati yung tahol nang tahol na aso ng kapitbahay, naidlip na.
gutom na ako. inubos ng tatay ko ang shawarmang binili ko sa peyups kanina. wala tuloy akong makain. kaawa awang bata. nanay ko naman inubos yung coke. ay nako naman. tapos kanina pa naghahanap ng sabon. sus. e buti nakatulog na.
ang tagal ni ate. teka. aral muna nga ulit ako. nakarami na ko ng pasakalye. baka bumagsak ako bukas. hahaha.
No comments:
Post a Comment