oo tama yan. ang mag-aaral panget. bakit sa dinami daming pwedeng gawin sa mundo e mag-aral pa ang napili kong gawin? sabi naman ng nanay ko pwede daw na hindi na ako mag-aral tapos magtrabaho na lang ako. yun nga lang paano nga naman ako hahanap ng trabaho kung wala naman akong natapos?
masakit sa ulo. masakit sa katawan. tuwing nagbabasa ako sa gabi, di ko namamalayan nalalawayan ko na pala ang libro ko dahil maya't maya nakakaidlip ako. ano pa ang pumapasok sa utak ko?
hay, sa kabilang banda, masaya mag-aral kapag uno lahat ng bumabalik sa iyo. di ba? :D
No comments:
Post a Comment