noong nakaraang linggo, nangyari ang isa sa mga pinakamahalaga at pinakamakabuluhang pangyayari sa university of the philippines-- ang UP fair. di ko talaga alam kung bakit siya fair para sa akin e kasi ang pinupuntahan ko lang naman ay 'yung tugtugan 'pag gabi. hehe. dapat ata UP Murang Concert 2009.
isang linggong puro nagkalat na mga taong nakaitim at makapal ang eye liner, mga babaeng naka-miniskirt at leggings at madaming ipit sa buhok, sikat na banda, gitara, amps, drumsets, walang katapusang wires na nakakalat sa damo at lalalala. madami pa.
sa anim na gabing iyon, dalawa lang napuntahan ko. ay hinde, dalaw lang ang pinili kong puntahan. eto yung una. ROCKULTURA. martes. nakakatakot ang mga banda. nakakayanig ang tugtugan. nakakapangilabot ang dami ng taong nanonood. salamat sa no parking, ang paborito kong sideline band (haha), backstage pass kaching! ayon. masaya masaya. ayus namiss ko sila ely, raymund, markus, buddy, etc.
okay ang pedicab. naka-formal attire. :D ang kulit sa backstage. tenet tenet tenen tenen. sfx!





shoutout: daps okay lang na nawala phone mo, super saya naman e. :D
yung mga litrato nasa multiply: www.invadersss.multiply.com
album name: ROCKULTURA: UP Fair 2009
No comments:
Post a Comment