Tuesday, January 8, 2008

peyups: isang daang taon!

oo. isang daang mahahabang taon. noong malaman kong 2008 ang pang isandaang taon ng UP diliman noong ako'y nasa highschool pa lamang sinabi ko nang, "doon ako mag-aaral, para memorable ang first year." pero yun nga, hindi malinaw ang pagkakapasa ko roon. may mga kulang na requirements. hay. ganoon talaga. minsan talaga hindi mo makikita ang nasa harapan mo na. napaaral tuloy ako sa ateneo. ngunit tama na yan, may ibang kwento sa post na ito.

ang ruta kong nakasanayan ay laging dumadaan sa loob ng UP. kahapon, may nakita akong malaking placard na may nakalagay na, "ACADEMIC OVAL. JANUARY 8, 2007. CLOSED TO TRAFFIC" saka ko na lamang nalaman na magsisimula na pala ang kasiyahan. hay. sana pwede lang iwanan lahat ng trabaho sa eskwela at magsaya 'no? kaninang pagkarating ko roon pauwi, lahat na ng mga kalsada sarado at kung anu-ano nang ruta ang kinukuha ng mga dyip at kung saan na lamang makalusot ay ayos na. hala. nagkalat ang mga SSB, mga karaniwang tao lalo na ang mga batang naka-uniporme pa nga. maraming nakaparadang mga sasakyan, punung puno ang mga parking. nakalabas na ako ng unibersidad bago ko pa malaman kung ano nga ba ang mangyayari. hindi ko naman balak alamin talaga.

hindi ko matiyak ang araw o mga araw kung kailan nga ang UP Fair pero may malaking pakiramdam ako na malapit na. (duh?) sa mga araw at gabing iyon sana makapagsaya naman ako. gusto kong maranasan ang hindi ko dapat palampasin na mga raid parties. :)

siya nga pala, gusto kong matulog doon kung maraming banda. haha.

No comments: