
ako. miss ko na si rico blanco. nasan na kaya yun? ngayong maulan, wala ako masyadong maiugnay na kanta kundi "ulan" ng rivermaya (kahit na si bamboo ang kumanta nun. yata.) kaya yun bigla kong naisip si rico. bakit kasi paalis alis pa ng banda e. naisip ko rin tuloy, siguro wala ngang salitang KONTENTO. ginawa lang siya para sa salungat niyang salita na HINDI KONTENTO. ibig sabihin, kahit nasa iyo na lahat, may gusto ka pa ring makuhang iba. tulad na lamang ni rico blanco. nasa kanya na ang kasikatan, pera, at babae pa nga e. ano pa kaya yung hinahanap niya? masaya pa nga ang trabaho niya e. pero yun nga, kanya kanyang rason yan e. ganun talaga. hindi ako fan masyado ni rico blanco o ng rivermaya pero masasabi ko pa rin na magaling sila at isang henyo si rico blanco dahil nakapagsulat siya ng maraming makabuluhang kantang hindi ko pinalampas na pakinggan at nakapagpabago ng buhay ng marami. sayang nga lang wala na siya. gud lak na lang sa bagong bokalista ng rivermaya at kela mark, mike at japs. tang-ina. umuulan pa rin.
No comments:
Post a Comment
yo, i shall mock you!