Monday, November 26, 2007

tapos na ang delubyo

oo. tapos na nga. sa wakas. ang madugong finals.

nakaranas na ba kayo ng pakiramdam na ang dami mong inaral tapos pag dating sa exam parang di mo maisip kung paano iuugnay yung mga inaral mo dun sa mga mahahabang tanong?

uhm, ganun naramdaman ko. naisip ko tuloy, sinasadya kaya ng mga guro namin na pahirapan kami? o magturo ng ibang aralin na ibang iba sa binibigay sa exam? Yell

siguro nga. o siguro imahinasyon ko lang. (sana)

pero sa totoo lang, di ko na masyadong iisipin ang finals. masakit sa ulo. masakit sa sabaw ko nang utak.

kulang na nga lang lagyan ko na ng mami ang sabaw sa ulo ko e.

bweno bibigyan ko ng mahabang break yang utak ko para mabuo muna. haha. sembreak, nanjan na ko. goodbye for now, ateneo. manigas ka jan. hirap hirap mong arukin. tse! Tongue out

No comments:

Post a Comment

yo, i shall mock you!