ngayon ay ang araw na hindi ko makikita ang aking guro sa english 10. pinaalam niya sa amin noong nakaraang pagkikita na siya ay liliban mula sa klase ng dalawang pagkikita at ngayon nga iyon, isang biyernes. sa pag-aakalang kolehiyo ang napasukan kong antas at paaralan, inisip kong, "ay, free cut ngayon. ayos, pwedeng mag-dota ng dalawang oras." ngunit akoy nagkamali sa aking hinalang free cut ngayon. para kaming high school students na may seatwork na pinagagawa ang huwarang gurong ayaw magpafree cut. ang mga gawain ay iniwan niya sa aming class beadle.
haay. ano pa nga ba? e di umupo na lamang at gumawa ng seatwork. maya maya't tumunog na ang bell na hudyat ng simula ng klase. nagsimula nang isulat ng aming beadle and aming gawain sa pisara. siya'y huminto nang mapuno niya ng sulat ang isang kapat ng pisara. ako'y nasiyahan ngunit nagtaka rin kung bakit yun lang at group work pa. ang kinalabasan, naubusan lang pala siya ng tisa at ang gawain ay talagang ang kabuuan ng pisara.
ang isang gawain ay nataunang "work with the people in your row" sa aming row, tatlo ang psycho (nasa kursong bs psychology) at isang kumukuha ng management. kaming tatlo ay nagtatawanan na sa walang matiyak na dahilan, naghahalakhakan nang wala pang natatapos habang ang isa naming kagrupo ay tila mahihimatay na sa takot at nagtataka na kung ano pa ang aming matatapos sa aming binigay na gawain. natauhan kami nang tumunog ang bell na tatlumpung minuto nalang pala ang nalalabi ay dismissal na. kami noo'y nagmamadali na sa aming mga sagot. hindi naman iyon masamang bagay dahil natapos naman namin. yey.
ang punto ay, masaya ang silid aralan pag walang guro. kahit isang kapat lang naitutuon sa paggawa ng naiwang seatwork, isang buong kasiyahan naman ang buong period. o ano patayin na natin lahat ng guro??
No comments:
Post a Comment
yo, i shall mock you!