Thursday, November 29, 2007

masaket ang ulo ko.

kala ko di na matatapos itong araw na to. langya, napakamalas. yung tipong puro tres ang nakukuha mo sa baraha at walang mga alas o dos. (pusoy dos) ay nako.

pumasok ako sa PE class limang minutong nahuli pa. alas siyete ng umaga. antok pa ako nun kaya hindi ako makapag-ayos ng galaw. nahuhuli, nauuna sa mga sipa at suntok. hindi naman napapansin ng guro ko.

dala dala ko sa aking backpack ang aking laptop. balot na balot at may kumot pa. mahirap nang maibalibag ko ito e. hindi ako makapasok sa internet connection sa library at kahit saan sa ateneo. kaya nagpabigat lang sa aking bag ang aking computer.

nang mainis na ako, hinayaan ko na lang at nagpunta na lang ako sa susunod at huli kong klase (zoology). pagkarating ko sa silid puchas tang*** naman o, nakasalpak sa pisara ang malaking

Dr. Monotillia Bi 12- General Botany 10:30-12 free cut.

ay oo nga, free cut. mga two years ko lang naman kasing pinag-aaralan yung dapat naming quiz. masakit man ang loob ko, hinayaan ko na lang muna. dumiretso ako sa library para makuha ko ang isang kailangan kong libro. pag dating ko doon, sandali lang a. inaantok ako, tatapusin ko to mamaya.

resume resume resume resume
resume resume resume resume resume XD


wala ang ate sa photocopy center, lunch break daw. hay. kinailangan ko siyang hintayin ng isa't kalahating oras sa nakakabinging katahimikan. at may babasahin pa akong apatnapu't dalawang pahina. hindi pa diyan natapos ang araw ko.


mayroon pa akong mga tatlong oras na hihintayin bago ang book launch ni sir yapan. hay. gusto ko sumama sa eastwood pero bukod sa umuulan at nakakairita lang talaga, at dala ko ang aking mabigat na laptop sa likod ko, tinatamad ako. kaya nanood nalang ako ng cartoons dito sa laptop. masaya naman at magandang pamapalipas oras.

tapos ayun, book launch na. tapos bigalang may kudeta! wow, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. at natapos na ang book launch yada yada yada.

uuwi na dapat ako sabi ng ate ko susunduin niya na lang daw ako. (yesss!!) pero hindi niya nabanggit na susunduin niya ako pagkatapos ng limang taon at apat na buwan. kaya nang ako ay mainip, sinubukan kong magwithdraw ng pera dahil gusto ko ng "RUBIX CUBE" at ng bagong earphones at ng blank dvds.

pero puchas naka apat na akong nasubukang teller walang gumagana! masakit na likod ko sa kalalakad sa katipunan dahil sa dala ko. nang makakuha na ako ng kwarta (XD) malayo na ako sa national book store na bibilhan ko sana ng rubix cube. at ayaw ko nang lumakad.

kaya naupo ako sa isang karinderya sa ilalim ng overpass. pero yun nga, customers lang ang makakaupo dun. kaya, kinailangan ko pang mag-order ng kung anuman. hay.

at dumating na si ate at sa national book store daw siya nakapark! tae! kaya, napalakad na lang din ako ulit.

pagdating ko sa bahay. bagsak agad sa kama.

No comments:

Post a Comment

yo, i shall mock you!