Monday, November 26, 2007

ang tai chi ay sakit ng katawan

may dalawampung minuto pa akong puwang bago ang susunod kong klase. kaya naisipan kong sumulat muna. tai chi ang napili kong PE sa semestreng ito. oo, nakakabaliw isipin. mukha siyang sayaw pero sa totoo, martial art pala siya. at oo, mabagal at nakakangawit ang mga galaw kaya ngayon ay masakit lahat ng binti at galamay ko. nakakaapat na yata akong sesyon sa tai chi at hanggang ngayon medyo masakit pa rin sa ulo ang pagsasaulo ng mga di maunawaang hen chai choi at kong lai sei. idagdag mo pa doon ang madugong pagkakasunud-sunod ng mga galaw. oo, mahirap palang isabay ang kamay sa paa.

wala pang pormal na mga grado. wala pa akong nakikitang batayan ng kanyang pagbibigay ng marka. hindi ko na inaasahang makakakuha ako ng alas dito pero 'yon nga, kelangang magsikap. sa likod ng lahat ng pawis at sakit ng katawan, nasisiyahan ako sa tai chi. sana masiyahan pa ako lalo sa marka ko rito.

No comments:

Post a Comment

yo, i shall mock you!